242 - Dinggin! Ang Tawag ni Jesus

Dinggin! ang tawag ni Jesus,
Sinong ngayo'y hahayo?
Bukira'y hinog nang lubos,
Gagapas nga ay sino?
Tumatawag S'yang mataos,
Gantimpala'y sasa'yo;
Sinong masayang sasagot,
Jesus, suguin ako?

Kung di ka makakatawid
Sa ibayo ng dagat,
May nangasa malalapit,
Matutulungang kagyat;
Kung di ka makasasambit
Ng sa anghel na bigkas,
Kay Jesus namang pag-ibig,
Iyong maitatanyag.

Kung hindi ka maaari
Na maging isang bantay,
Na ang handog nga at mithi:
Kapayapaa't buhay;
Ang sa Langit namang hingi
Magagawang tiwasay,
Magsa-Aaron kang lagi,
Hawak propetang kamay.

Habang nangagsisiyao
Kaluluwa ng tao,
H'wag sanang marinig sa'yo,
Walang magagawa ako!
May tuwang tupding totoo
Tungkuling bigay sa'yo;
Pagtawag N'ya'y tugunin mo,
Jesus, suguin ako.

0:00 0:00